sang-ayon

Monday, January 23, 2006

sang-ayon po ako

Paninder
Alam nating lahat na isang malaking malaking usapin sa simbahan at gobyerno ang aborsyon.Sari saring opinyon ang maririnig sa bawat indibidwal hinggil sa aborsyon. Kung ako bilang isang tao/babae ang tatanungin hinggil sa usaping ito...sumasang-ayon ako hindi dahil sa gusto kong kumitil ng buhay kundi dahil sa mga bagay na kakaharapin nito. Isipin na lang natin na kung ang isang babae ay ginahasa at ito nabuntis, sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pagsilang ng bata ito ay kanyang kamumuhian, ano na lamang ang magiging kinabukasan ng bata, lalaki sya na puro galit ang makikita. Makakabuti rin ang aborsyon para sa isang babae na hindi pa handa sa responsibilidad, alam natin na mapusok na ang kabataan ngayon kung kaya't wag na nating dagdagan ng isa pang mabigat na suliranin ang isang babae kung ito'y hindi pa handa sa responsibilidad, kung kanyang itutuloy ang pagbubuntis may maibibigay ba syang magandang kinabukasan sa kanyang anak. ano ang maaasahan mo sa isang tao na hindi handa sa pagiging ina na hindi kayang maging ina at takot sa responsibilidad. Ang teknolohiya ngayon ay masyadong nang advance. Ang isang magiging ina ay nagpapa-check up, sa siyensya meron tayong tinatawag na genetic engineering sa pamamagitan nito makikita nang isang dalubhasa kung magiging isisilang na normal ang isang bata. Kung makikita ng dalubhasa na magiging abnormal ang bata, dapat na lamang na ipa-abort ang bata dahil kung itutuloy ito ng mga magulang magiging kawawa lamang ang bata,mahirap din para sa magulang kung makikita nilang hindi tanggap sa lipunan ang kanilang anak. At higit sa lahat karapatan ng isang babae ang mag desisyon para sa kanyang sarili, alam nya kung ano ang nararapat at nakabubuti para sa kanyang sarili. Anut'ano man ang maging desisyon ng isang babae hindi natin sila maaaring pigilan....maaari lamang natin ibigay ang ating suporta sa kanila.


2 Psychology
Paninder Pal Kaur Gill